Saturday, February 17, 2007
Promprom kahapon...at kahit papano, kahit na sa school pa cya at parang ang sikip-sikip ng mundo, kahit na duguan nanaman ako dahil sa sandals ko at sa mga nakakaapak ng paa, masaya pa rin!!! ehehe...
Ang saya...
Parang ayaw ko nang umalis ng Masci...
Nakakalungkot...
Hay.
~help me find my way home @ 2:10 PM
Saturday, February 03, 2007
Ahoy!!! Matagal na rin simula noong huli akong nag-post dito...oks, kwento ko lang ang mga kaganapan kahapon...
Gaya nga ng aming pinag-usapan, kumain kami nla cesca, yayi & kaze sa yellow cab!!! Muntik na ngang ndi matuloy ang pinaka-aabangang lakwatsa sa mga kadahilanang hindi maaaring takasan...tulad ng huma at kakulangan sa pera. Ngunit nasulusyonan din nmen ito dahil magaling kami. Ehehe...Aun, punta nang rob at diretso na sa yellow cab na aalog-alog sapagkat alang tao. solong solo nmin ang naturang kainan noong mga oras na iyon. Haha...umatake nanaman ang pagka-vain. pichur-pichur s yellow cab, sa may pichur ng new york sa pader, pati sa pichur nung pancit ba un? nwei, pati dun sa may yellow cab na sign...oks na oks. Nang dumating ang pizza, kain at...well, pichur-pichur pa rin. Sbi nmin, kelangan ma-beat ang record na 60+ na pichurs noong nakaraang linggo sa pizza hut. Ayun, naka-70+ din kami ng biglang...DANG! nabura ang lahat ng iyon. Nanlumo ang lahat...sayang, sayang, sayang...paano na maibabalik ang lahat ng iyon? hindi, wala na...wala nang pag-asa. Pero hindi kami susuko ng ganun ganun na lang. Kaya nagpichur-pichur ulet kami kahit wala na ang pizza. Ang masaklap nga lang noon, madami nang tao sa yellow cab noon at hindi na kami pede mag-wala nang tulad kanina tas ang gaganda pa nman nung mga kuha nmen nun, pinag-isipan. Ung mga naging kuha nmen ngaun eh parang bara-bara na lang at mabilisan. Puro candid na nga lang eh tas puro bunganga at buhok at pilukang itim at ngipin na lang ang nakita ko. hay...sayang talaga un. tapos kahit maaga pa ay kinailangan nanaming maghiwahiwalay ng landas dahil sa mga nabanggit kong kadahilanan kanina na hindi maaaring takasan ng gnun ganun na lang. C cesca ang unang humiwalay sa amin...sa rob pa lang ay nawalay na cya sa aming piling. ehehe...tas naghiwa-hiwalay na rin kami pagdating sa kanto ng faura. c yayi ay patungo sa paco park upang i-pursue ang kanyang career bilang isang mahusay na aktres. c kaze naman ay patungo na sa kanyang tahanan upang mag-aral para sa kanyang pagsusulit sa darating na araw na siyang magsasabi nang kanyang kinabukasan sa isang paaralang walang cheering. sayang...ndi ka pedeng maging bading dun...at ako...ako na walang patutunguhan sapagkat hindi ko malaman kung sasama ba ako kay kaze at uuwi na rin sa akin tahanan o sasama ako kay yayi at panoorin siya habang siya ay nag-dadrama. sa huli ay sumama rin ako kay kaze at umuwi na. nakakatakot kasi sa paco park...may dengue. ehehe...jok. ayun, kaya maaga akong nauwi noong araw na iyon, gustuhin ko mang maglakwatsa ay wala na akong kasama at wala na rin akong pera. kinuntento ko na lang ang aking sarili sa pag-iisip kung pinayagan ba ako ng aking mga pinakamamahal na magulang na mag-overnyt kela karl upang mag-edit ng amin pelikula.
Pagdating sa bahay...WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!! IT'S A MIRACLE!!! PINAYAGAN AKO NG AKING PARENTS NA MAG-OVERNYT!!! BAGO ITO!!! ANG GALENG-GALENG!!! Aun...kya cguro mga mamayang hapon ay aalis na ako dala ang buong aparador ko(jok) at maklalakbay na patungo sa tahanan ng mga Pilario. aus dba? sayang...gus2 ko rin sanang sumama kela yayi eh...manonood daw cla ng gig somewer in...er...san nga ba? ehehe...hay, sayang. hayaan mo na nga...bahala na...
oks, pede na cguro to noh? mahaba-haba na rin eto. cge, paalam!!!
~help me find my way home @ 7:55 AM
Thursday, December 28, 2006
Walang Magawa...Ang boring boring na dito sa bahay...nauubusan na ako ng gagawin.
Ndi na ako nasisiyahan dito...
Bigyan nyo ako ng gagawin!
~help me find my way home @ 8:32 PM
Tuesday, December 26, 2006
It was Christmas yesterday.
But it felt like it wasn't.Labels: christmas
~help me find my way home @ 8:16 AM
Saturday, December 09, 2006
ito na ung karugtong...na-badtrip kasi tlga ako kanina sa nanay ko eh...aga-aga, sigawan kami...haha, kawawa nman c yayi, nadinig pa nya ung awayan nmin. ok, game.
un nga, umalis kami dun tas sbi ni miss kim, tignan daw nmin ung result nung carol fest. edi punta kami ng bordner tapos syet...KASAMA KAMI SA TOP 3!!! YESSS!!! takbuhan ako, si erol tsaka si yayi bigla dun sa may p6 rum para ihatid ang magandang balita sa aming mga kaklase ngunit wala sila dun kaya takbo kami sa may auditorium at nandun nga sila tapos pasok kami sa loob at cnabi nmin sa unang coper na nakita namin tapos...
alam na pala nila.
kuru tlga...hingal na hingal kami sa pagtakbo tas mas nauna pa nilang nalaman ung result kesa sa amin?!? dbale, aus lang...panalo nman eh. tas un, baba ulit kami at dumiretso ng canteen upang mag-celebrate. hehe...nawala cla kim tsaka marzan kaya kami na lang ang kumain dun. kwentuhan kami dun sa canteen tas joke time tas nung iniwan na kami ni erol kasi may gagawin daw cya sa tle nla, punta na rin kami sa quad ni yayi at baka kasi may comsci pa. un na nga, gaya ng inaasahan, meron nga kaya un, nag-comsci. ala nmang gnawa dun. tas nun, nag-iisip kami kung iintayin pa ba nmin ung iba na nasa audi pa o kakain na kami kasi gutom na gutom na kami nung mga oras na un, tas pag-akyat nmin sa audi para tanungin cla kung matagal pa cla, tapos na pala ung mind brawl. aun, nasali pa tuloy kami sa pag-aayos ng auditorium. tas nun, nagkaayaan na sa rob kasi nga, tulad ng pinapangako ni kyle sa amin, ililibre nya kami ng ice cream. ung yellow cab daw sa finals na kapag nag-first kami. tas un, punta kami sa rob ng mangilan-ngilan na coper at kumain ng ice cream sa may food court. nagtatalo pa nga sila kung ano ba ang bibilhing ice cream at napag-desisyonan na rin na cookies n cream tsaka coffee na lang ung bilin. matapos nun, nag-videoke ang mga kababaihan at si erol at si ninyo sa gbox...cla karl, stefen at Llamas ay umuwi na. bago un, nagkanya-kanyang laro muna ang lahat. si nica nag-basketball...lupet nga eh. na-stuck ung apat na bola dun sa basket, ang kulet. na-pichuran ata ni yayi un eh...ang galeng tlga. tas ung iba, nag-pophoto hunt. maya-maya pa eh inaya ko na rin c yayi na mag-laro kaya bili kami ng tokens at nag-basketball din kami. tas nun, nag-drive...maduga ung arcade na un. pareho kaming 5th place ni yayi...abnormal. tas nun, dami pang token na natira, sbi ko kay yayi,
"sample nman dyan sa drums" kaso ang daming tao na nanonood kaya wag na lang daw. kaya nagbarilan na lang kami dun sa may ninja ekek kaso may natira pa ring 6 na token kaya dinagdag na lang nmin un dun sa pang-videoke nmin. dami nga nilang kalokohan eh. may bunutan pa clang nalalaman. nakakatuwa ung kay nica eh kasi cya unang bumunot tas cya pala ung nabunot nya. c cha rin, nabunot nya ung sarili nya, napatulala pa nga cya eh. na-shock. hyper nga ang lahat ng tao eh...c jenny lang ndi gaano. gulat cla, kumakanta c jenny. aba, jenny pa. divine diva...ehe. c yayi ang harot-harot. ang babaw ng kaligayahan, nangangawit na daw panga nya kasi laging naka tawa ung mukha. tsk, tsk, tsk...tas may "ORDER IN THE COURT" pang nalalaman...hahaha!!! c blessie kinakareer tlga ang pagkanta, sayang ala na c karl dun. ehehe...tas ang kulet nag dudugo na raw ang mga dila nila R***** at Mikhail
(no need to censor this one...) kasi laging nababanggit sa pagitan ng mga kanta lalu na pag ang kumakanta cna nicole, herby, yayi at ninyo. ehehe...bulgaran na ito. basta un, kantahan hanggang sa mamaos ang lahat, kantahan hanggang sa maubos ang mga tokens, kantahan hanggang 6:30 ng gabi. gawd, patay-patay nanaman ako kay mama nyan. uwing-uwi na nga ako eh at sawakas, naubos din ang tokens. salamat nman...kaso anong oras na. gabi na at yari na ako kay mama!!! waaahhh ayun, halos lumipad na ako pauwi. kaso ang lrt tlga laking peste eh. dalawang oras na ata kami nakatayo dun ni nicole. sawakas, may dumating na skip train at nakasakay kami, nakaupo pa. aun, naghiwalay na kami sa may doroteo tas aun, mag-isa na rin ako. nakarating ako ng bahay ng past nine at patay-patay na ako. sermon, grabe. kala ko nga ndi na ako pagbubuksan ng pinto, maaga kasi natutulog ang mga tao dito sa bahay eh. tas si mama nag-drama pa nung cnabi ko na may family day bukas. sbi nya, "Family day...pamilya mo mga kaklase mo." Drama, grabe. hanggang umaga un, dinededma nya ako. tas aun nga, kaya ako na-bad trip kanina eh. kasi habang nag-iinternet ako kanina, tumawag c yayi, tinatanong kung pupunta pa daw ba ako sa family day na kalokohan ni mang sabado. tas sbi, "saglet lang, tanong ko kay mama." tas un, tinawag ko c mama, sumigaw na nga ako kasi ambinge, ndi ako marinig. un pala nasa banyo kaya bumaba na rin ako. tas tinanong ko cya, "ma, pupunta pa ba tayo sa family day ng masci?" tas sbi nya, "wag na, tanghali na eh blahblahblah..." (galet pa rin yan sa akin ng mga panahon na yan...) tas tinanong nya kung baket, sbi ko pinatatanong ng ni yayi tas un, nagsimula nanaman cya. sbi nya, "cno ba yang yayi na yan, ha? puro yayi na lang ang nakasulat sa mga papel dun sa taas blahblahblah..." (ung mga drawing ko ng badges ni yayi un...) basta mahaba pa ung cnabi nya, nakaka-high blood nga eh. nalayasan ko nga bigla. tas aun, bad mood ko na cnabi kay yayi na ndi na ganyan, ganyan, ganyan at yadayadayada so ndi ako pupunta. aun, kawawa nman c yayi. tsk tsk tsk...
ayan...kararating ko lang din ng bahay ngaun eh. punta ako ng sm north edsa...boring kasi sa bahay, ala kang makausap ng maayos, lagi na lang cgawan. pero kasama ko rin c mama. ehehe...at least ndi kami nag-sisigawan nun kundi malaking eskandalo un. cnamahan nya akong bumili ng bagong scical. nawala ko kasi ung scical ko eh, ung kay jenny ung gnagamit ko. aun, saglet lang kami dun kasi ang daming tao grabe, para akong sumabak sa giyera...suicide ba. tulog nga ako sa sasakyan pag-uwi.
Ngaun, medyo aus na kami ni mama. pinapansin nya na ako. buti nman. aun, sana payagan nya ako umattend ng play bukas...un lang. mahaba-mahaba din ito. haha...galeng.
~help me find my way home @ 4:52 PM
Hark how the bells...ayan...ngayon ko na lang ilalagay to dito kasi sobrang gabing-gabi na tlga ako dumating kagabi at pag-dating ko pa ay sermon pa ang inabutan ko at ala nang pagkain ndi tuloy ako nakakain ng hapunan kaya sobrang bad trip grabe tas kumakalam pa ang sikmura ko leche kaya daanin na lang sa tulog tae...ngayon ko na lang i-popost to.
cge, simulan natin ang kwento noong uwian nung thursday. nung thursday kasi, nagkakagulo na ang lahat. ang gulo-gulo ng mundo ko nun. excused kasi kami ni kaze nung araw na iyon tapos ndi kami naka-attend ng klase kaya...saya. ehehe...tapos nung uwian na, sabi nila may praktis daw ng carol fest at parang awa na daw nmin at umattend daw kami kasi bukas na iyon at wala pa tlga kaming nagagawa. kaya aun, nung uwian na, naghintayan ng mga choir pipol kasi ndi pa tapos ung praktis nila. tapos habang nag-papraktis cla, to nmang mga boys, nawala, nagpunta ata sa paco pc tapos c ninyo hinatak ung ibang boys at madaming girls para daw dun sa p6 mind brawl na gagawin kinabukasan kaya nawala tlga ang mga tao grabe. tapos matapos ang ilang minuto pa, natapos na rin sa wakas ang choir tapos sbi samin ni kim punta na daw sa astral kasi dun na daw mag-papraktis ng carol fest kaya punta na kaming mga natira dun na ndi kinuha ni ninyo. pagdating dun sa tuktok ng astral, dahil sa wala pa ung iba, harutan muna kami ni anja. ehehe...tas maya-maya pa ay dumating na rin cla, dumating na cla kyle tas un, hinagilap ata nila ung mga lalaking nagpunta sa paco pc at un, praktis na. puspusang praktis ang nangyari dun eh kasi gus2 tlga ni kyle na manalo ang coper kaya aun. tas medyo ala pa cya sa mood kasi mag problema daw pero wag na nating pake-elaman un. hanggang past seven kami ng gabi dun at patay nanaman ako kay mader dir. aun, uwian na tapos nun, bukas na lang daw aausin ung kelangan pang ausin dahil kelangan na tlga magsi-uwian ng mga tao. ako, pagdating ko ng bahay, sermon din kaso ndi nman gnun kagalit si mader kasi tnxt ko nman cya eh...ang kaso lang, ndi cya pumayag pero tumuloy pa rin ako. ehehe...
kinabukasan...ayaw tlga ako papasukin ng nanay ko. kasi nahalata nya na ala akong masyadong dala eh, sbi nya ala nman daw gagawin pero I insisted kaya behlat na lang. aun, pasok ako tas late nanaman ako, pagdating ko nagkakagulo ang coper dun sa may harap ng main tas tinanong ko cla kung ano meron, sbi nila ung mga tinawag daw ni niño kahapon, excused sa klase tas ung mga ndi edi ndi. tas sbi ko,
"dba may mass?" tas sbi nila,
"akala din nga namin eh pero ala..." tas habang nag-rereklamo ako kung baket ndi kami cnama ni ninyo dun sa mind brawl nya, dumating c yayi (ndi rin cya kasama sa tinawag ni ninyo eh) at nag-panic kami kasi may assignment nga pala sa math. aun, punta kami sa english, tuloy pa rin ang klase kahit na iilang piraso lang kami at aalog-alog kami dun sa klasrum. habang nag-eenglish, gumawa kami ng assignment sa math. tas pagdating ng math, ndi naman pala kukunin ung assignment tas ndi na rin kami nag-klase kasi nga iilang piraso nga lang kami at aalog-alog nanaman kami dun sa klasrum. pinag-aus lang kami ng libro ni mang gumboc. nung p6 na, punta kami dun sa p6 rum kung saan nagkakagulo ang iba nming kaklase dun sa mind brawl at nag-praktis ng carol fest dun. sbi nila may chance daw kami manalo. charing. ehehe...tas un, pagkatapos ng p6, ala kami klase punta kami ng canteen nila marzan at yayi at pinaglaruan ang mga celpon at kumain na rin at uminom ng malamig na mga inumin. ehehe...patay kay kyle! tas nun, nag-pinoy pa kami ng mga iilang piraso kong kaklase at nasabi ko na ba na aalog-alog kami sa loob ng klasrum? aun, nagkwento pa si mang gozo ng kanyang kabataan...ehehe. laking pasasalamat nmin ni yayi kasi ala ung taeng titser. tae tlga cya...
TAE! tas un, gulat kami paglabas nmin ng pinoy kasi contest na pala at pang-pito kaming mag-peperform. waaaaaaaaaahhhhhhhh panic! panic! tas nawawala pa ang boys, umuusok na ung ilong ni nica. un pala nasa bordner na cla kasama c kyle tas nagpraktis ng isang pasada tas waaaaahhh kami na, pinaakyat na kami at aun. kumanta. aun, nagkalat daw sbi ni ardy. nyak...kadiri. tas un, balik na ung mga p6 mind brawl sa kanilang mga trabaho at kami, tumuloy sa itaas para mag-social. sa kabutihang palad, alang social. nawawala si mang jacob. sarado ang klasrum kaya nag-istambay kami dun sa may bridge at nag-kwento si marzan ng kanyang...chuba. ehehe...tas un, dumaan si mam francisco tas inuto nmin cya at cnabi na wag na mag-klase, na-uto nman. mainam. kaya un, tuloy ang pagkukwento ni marzan. si kim interesadong-interesado eh. very attentive. ehehe...jok lang. aun, umalis din kami dun sa kinalalagyan namin tapos....
ituloy ko na lang mamaya. nawala ako sa mood eh. aga-aga puro ka-bwisitan...nagtatanong lang kung pupunta pa ba, kung ano-ano nanaman ang cnasabi...ang tino kausap eh, leche.
taena...yoko na.
~help me find my way home @ 7:16 AM
Friday, November 24, 2006
Now I know why Loribelle and Jay-V adore penguins.Okay...I'm not in the mood to type all the details so i'll just make this post short. You see, Jenny, Cess, Lor and I decided to watch "Happy Feet." Finally! I've seen the trailer of that movie ages ago. And so we bought a large bucket of popcorn and two large drinks, went inside the theater and enjoyed the movie. It was hilarious! I almost laughed my lungs out. Ok...maybe not.
And so my post ends here. So long.
Dear Santa, I want a pet penguin for Christmas. Thanks.
~help me find my way home @ 8:25 PM
Sunday, November 12, 2006
wahaha...wahaha...wahaha...wahaha...WAHAHA!!!MARUNONG NA AKONG GUMAWA NG ANIMATED ICONS!!! MWAHAHAHA!!! BAGONG HOBBY NANAMAN ITO!!! WOHOOO!!!Ala lang...Ehehe...
~help me find my way home @ 9:34 AM